ค้นหาเพลง เนื้อเพลง นักร้อง

ANAK

Freddie Aguilar

N`ong isilang ka
sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila
ang iyong ilaw

At ang Nanay at Tatay mo
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pag-tulog mo

At sa gabi
napupuyat ang iyong Nanay
Sa pag-timpla ng gatas mo

At sa umaga nama`y
kalong ka nang iyong Ama
Tuwang-tuwa sa `yo

Ngayon nga`y malaki ka na
At nais mo`y maging malaya
Di man sila
payag walang magagawa

Ikaw nga`y biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila`y sinuway mo

Di mo man lang inisip
Na ang kanilang
ginagawa`y para sa `yo

Pagkat ang nais mo`y
masunod ang layaw mo,
Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo`y naligaw
Ikaw ay nalulung
sa masamang bisyo

At ang una mong nilapitan
Ang `yong Inang lumuluha
At ang tanong anak
Ba`t ka nagkaganyan

At ang iyong mga mata`y
Biglang lumuha
nang di mo napapansin

Pagsisisi ang sa isip
mo`t nalaman mo
ika`y nagkamali

Pagsisisi ang sa isip
mo`t nalaman mo
ika`y nagkamali

Pagsisisi ang sa isip
mo`t nalaman mo
ika`y nagkamali...					
					
comments powered by Disqus
ETC
2099